KORAPolitika
Sa pagdating nang maraming taon madami na tayong nakilala na nanguna o namuno sa ating bansa at ganon din kung bakit tayo ay nagkakaroon ng panibago na kikilalanin natin bilang isang lider. Bilang isang mamamayan sa ating bansa ang Politika ay isang aspeto na ng ating buhay na hindi maaaring iwasan. Ito ang pamumuno na may malalim na aspeto sa ating pag araw araw. Sa bawat bansa, ang politika ay ang nagpapasya kung paano pamamahalaan ang isang lipunan. Mahalaga ang politika sa ating pang araw araw lalo na't ito ang dahilan kung bakit mayroon tayong mga batas na sinusunod at mga alituntunin na minsan ay tayo na ring nailigtas sa mga kapahamakan. Ang sistema ng gobyerno ay maaaring maging isang demokrasya, o iba pa na uri nang pamamahala. Ngunit kahit na ano man ang maging sistema, ang layunin ng ating politika ay tiyakin ang kaligatasan at kauyusan ng kaninalang pinamamahalaan at kasama na rin ang pag-unlad ng bansa. Sa demokratikong bansa gaya na lamang dito sa Pilipinas, may kaka...